was successfully added to your cart.

Cart

Ang income na dapat lumalaki habang tumatanda tayo

Passive income. Ito ang income na dapat ay meron tayo at lumalaki habang tayo ay tumatanda. Rent, dividend, interest, capital gains, pension at royalty ang anim na halimbawa ng passive income.

Ang default kasi natin ay umasa, pagsikapan at galingan para tumaas ang active income lalung-lalo na ng suweldo. Better kung bibigyan din natin ng importance at focus ang pagpapalaki sa ating passive income.

Active versus passive income

Kung ang kita ay pinagpaguran at pinagpawisan, active income ang tawag dito. If you let your money work for you, passive income naman ang tawag dito.

Investments ang magpapalaki sa iyong passive income.

Income property

Kung ang isang real estate investment ay kumikita ng pera sa pamamagitan ng lease o rent; income property ang tawag dito. Paborito ko ito dahil may regular na cashflow, may capital gains at madali pa itong i-maintain o i-manage.

Financial plan

 Kung papasok sa investment, kinakailangang siguraduhing may financial plan na siyang gagamiting basehan sa pagpili ng appropriate investments.

Always remember that your investments should match your financial goals.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: