Isa sa mga rewards program na sinalihan ko at makailang beses ko nang napakinabangan ay ang pagkakaroon ng airline mileage rewards card. Nito lang July, sa bakasyon naming mag-anak sa Europe, 10 sa 14 na airline tickets namin ay nakuha ko nang libre.
Napalipad ko mula US at Australia papuntang Europe ang mga kapatid ko, asawa nila, mga pamangkin at mga magulang dahil sa aking mileage accrual mula sa aking airline loyalty card at credit card bonus points.
Umabot lang sa 10% ng kabuuang ticket price ang binayaran ko. Napakalking katipiran kung tutuusin.
Rewards card defined
Ang rewards card o loyalty card ay isang uri ng marketing strategy kung saan ang nagbibigay ang mga business ng pabuya sa mga customers dahil sa pagbili ng produkto o serbisyo nito at pagbibigay ng personal na impormasyon. Sa pamamagitan nito, nagagawa ng kumpaniya na mai-promote ang brand loyalty sa kaniyang produkto at serbisyo mula sa mga customers.
Nagbibigay ng automatic discounts o kaya naman ay libreng produkto o serbisyo; mga coupon; o kaya ay incetives ang mga business sa pamamagitan ng kanilang rewards card.
(Read also: Tamang pagpili ng rewards card upang masulit at makaiwas sa disadvantages nito
Points
Nagbibigay ng points ang kumpaniya sa customer kapag siya ay bumili. Naiipon ang mga points na ito na siyang puwedeng gamitin para makakuha ng discounts, coupons, free products at iba pang incentives.
Automatic discounts
Bilang pabuya sa pagiging loyal customer, nagbibigay ng discount ang mga business sa kanilang mga rewards card holders. Makikita ito sa kanilang pricing – mas mababa ang presyo para sa mga rewards cardholders samantalang mas mahal naman sa mga non-rewards card cardholders.
Freebies
Karaniwang may catalog ang mga rewards card programs kung saan makikita kung ilang points ang kailangang ipunin katumbas ng isang bagay o item. Marami dito ay mga appliances o gadgets o kaya naman ay free hotel nights o travel package.
Incentives
May iba pang incentives na ibinibigay ang mga business sa kanilang rewards card tulad ng priority lanes sa pagpila; exclusive offers; at pag-imbita sa mga events tulad ng trainings o kaya ay premier nights.
Sa aking airline loyalty card, nakakapila ako sa business class check in counter at nakakapasok sa kanilang airline lounges dahil sa status ng aking reward card sa kanila. Napakaganda nitong benefit lalo na sa akin dahil madalas akong mag-biyahe.
Sulit when used correctly
Mainam ang pagkakaroon ng rewards card kung magagamit natin ito nang tama. Puwede tatyong makatipid o magkaroon ng produkto o serbisyo ng higit pa ang halaga sa ibinabayd natin o yung tintatawag na value for money.