Paano kumita, gumasta, mag-ipon, mangutang at mag-invest ang mga Maginhawa sa buhay
PIEPer at a glance
Ipinapakita ng table ang mga katangian ng bawat baitang sa PIEPer alinsunod sa kinikita; paggastos, pag-iipon, pangungutang at pag-iinvest.
Gamit ng PIEPer
Maaring gamitin ang PIEPer upang suriin ang sarili at alamin kung nais umangat ang baitang papunta sa maginhawa. Nakalahad dito kung ano ang mga kailangang ihanda at gawin upang tumaas ang baitang sa PIEPer.
Hindi layon ng PIEPer na kutyain ang mga nasa baitang kapos at isang kahig, isang tuka kundi mailahad ang kakailanganin nilang tulong mula sa gobyerno at mula sa atin bilang mga kapatid na Filipino. Sila ang mga nasa laylayan ng lipunan na kailangang mabigyan ng pagkakataong umangat sa buhay.
Kung nakita mo ang sarili mo sa baitang kapos o isang kahig, isang tuka, sana hindi ka panghinaan ng loob. Bagkus ay gamitin mo itong hamon upang umangat sa buhay.
Nagsisimula sa awareness o pagbubukas ng kamalayan ang pagbabago. Kung alam mo kung saan ka nagsisimula, mas lilinaw kung saan ka patutungo at ang kaakibat na paghahanda tungo dito.
Para sa mga kapos at isang kahig, isang tuka, mag-focus sa pag-improve o paglinang sa kaalaman at kakayahan upang magkaroon ng mas maayos na trabaho o di kaya naman at negosyo. Kumuha ang mga kurso sa mga government agencies na nagbibigay nito.
May mga short courses at certificate courses na ibinibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng TESDA. May mga pa-training din ang maraming ahensya ng gobyerno katulad ng sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA) at iba pa.
Kung hindi mo alam ang mga programa nila, pumunta sa inyong barangay hall o kaya naman ay sa munisipyo o city hall at doon magtanung-tanong. Magtanung-tanong sa mga kaibigan at kapitabahay kung may nalalamans silang impormasyon.
Palawigin ang mga kakilala upang magkaroon ng access to information na maaring makapagpabuti sa iyong kakayahan at kaalaman.
Para naman sa mga nasa baitang sapat, matutuong gamitin ang ipon sa pag-iinvest tulad ng ginagawa ng mga nasa baitang maginhawa. Iwasan ding gamitin ang utang para tustusan ang wants o mga kasiyahan sa buhay. Kung makapag-aantay at gagamitin ang ipon para makapag-invest, sa hinaharap, masa masagana ang buhay.
Isa ka sa mga mapalad kung nabibilang ka sa baitang maginhawa. Bilang pasasalamat sa biyayang natatanggap, nawa ay gamitin mo ang sarili mong instrumento upang tulungan ang ating mga kababayang hirap sa buhay.
Ibahagi ang iyong kaalaman at kakayahan. Tungkulin nating tumulong sa ating kapwa para na rin sa pag-unlad ng ating bansa.