11 bagong status symbol sa Pilipinas

4. Travels

May iba’t-ibang levels ang travels sa pagiging status symbol. Depende ito sa lugar na dinadayo.

Kung ang lugar na dinadayo sa loob ng Pilipinas lamang, maituturing kang baguhan sa status symbol na ito. Mas mataas naman nang kaunti ang level mo kung nakakapunta ka sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Isang baitang sa level ang iaangat kung ang mga binibisitang bansa ay nangangailangan ng visa. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na mahina ang passport ng Pilipinas kaya status symbol kung may kakayahan kang makakuha ng visa.

Ikaw ang ultimate status symbol holder sa kategoryang ito kung madalas kang bumisita sa mga OECD countries.

5. Branded shoes/clothes

Kadalasang ang sukat dito ay kung mahirap bigkasin ang brand na binibili. Habang humihirap, mas nagmamahal ang presyo.

 

 


6. Gadgets

Mga pinakabagong modelo dapat ng cellphone, laptops at tablet ang hawak mo kung nais makamit ang status symbol na ito. Kung may bagong modelong lalabas ay isa ka sa mga unang magkakaroon nito.

 

 

7. Mga alahas

“Bling” din ang tawag sa status symbol na ito. Kung ang gamit mo sa alahas ay para maitago ito at maaring magamit pansangla sakaling mangailangan ka sa hinaharap, hindi ka kabilang sa may hawak ng status symbol na ito.

 

 

8. Branded bags

Katulad din ng mga branded shoes at branded na damit, habang humihirap i-spelling at bigkasin ang ga ito, mas mahal. Kung iisa lang ang bag mong ganito o kaya naman ay marami pero galing sa segunda mano, hindi ka kabilang sa may hawak ng status symbol na ito.

 

 

9. Sasakyan

Hanggang ngayon, ang pagkakaroon ng sasakyan ay isa pa ring status symbol sa Pillipinas. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ma-traffic sa mga siyudad sa Pilipinas. Kahit walang parking, e napapayagang bumili, kaya tuloy sa lansangan nakabalandra ang maraming sasakyan.

 

 

10. Social media clout o Photos with celebs

Isa ito sa mga pinakabagong status symbol dahil na rin sa pagsikat ng social media. Madali nang maipakita sa mga kaibigan at mga kakilala kung sino ang nakasalamuha.

Sinusukat din kung ikaw ba pinapakinggan ng mga tao sa social media. Tinatawag ang mga taong itong social media influencers.

 

11. Big house

Hindi pa rin natitinag sa listahan ng status symbol ang pagkakaroon ng malaking bahay. Mahalaga din kung saan nakatayo ang malaking bahay. Ito ay dapat sa mga exclusive villages upang maituring na status symbol.

 

 

Written on 27 February 2018