Paano kumilatis ng coop para siguradong ligtas ang investment?

Rating system

May limang baytang ang rating system ng COOP-PESOS. Nangunguna dito ang mga “Very Good” na kooperatiba o yung mga nakakuha ng 96 points hanggang 100.

Ang mga kooperatibang ito ay alinsunod na nagbibigay ng maganda, ligtas at malusog na operations. Sila ay sumusunod sa mga tuntunin at regulasyon ng gobyerno at malakas ang laban sa panahon ng mga panganib at financial crisis.

Kung nakakuha ang kooperatiba ng 90 hanggang 95 points nabibilang ito sa mga “Good” na kooperatiba. Sila ay nakapagbibigay ng maayos, ligtas at malusog na operations. May mga areas sa operations na kailangan ng pansin na kung hindi maagapan ay maaring maging problema ng kooperatiba.

Kapag 80 hanggang 89 points ang nakuha, sila ay nabibilang sa “Fair” na kooperatiba. May problema sa pagpapalakad ng credit operations ng kooperatiba na kailangang tugunan. Ang mga kooperatiba sa classification na ito ay hindi masyadong malakas kaya hindi handa sa panahon ng mga panganib at financial crisis.

Ang mga kooperatibang nakakuha ng 70 hanggang 79 ay napapabilang sa mga “Poor” na kooperatiba. Kailangan nito ng seryosong pagtugon sa mga kinakaharap na problema. Mataas ang posibilidad na magsara ito pero maari pang maagapan kung ang lunas ay maibibigay sa lalong madaling panahon.

Kapag ang score ay mas mababa sa 70, “Very Poor” na ang classification ng kooperatiba. Hindi maganda ang gawain ng kooperatiba kaya kailangan nito ang seryoso at agarang pagtugon. Ang mga credit coopepratives dito ay mataas na posibilidad na magsara at maaring i-liquidate.

Saan makukuha ang COOP-PESOS rating?

Pinapasok ko lang ang mga kooperatibang kabilang sa Good o Very Good rating o yung mga may 90 points pataas ang COOP-PESOS rating. Ito ay masiguro kong ligtas ang aking investment.

Sinisisiguro ko ring makilala ang general manager at iba pang mga importanteng tao sa loob ng organisasyon para ma-develop ang aming business relationship. Habang nakikilala ko sila, mas tumataas ang kumpiyansa ko depende sa impormasyong aking makakalap.

Karaniwang ipinagmamayabang ng mga kooperatibang Good o Very Good ang kanilang COOP-PESOS rating. Makikita ito sa kanilang website at sa kanilang annual report.

Pero ang pinakatiyak na makukuha ang COOP-PESOS ay sa audited financial statement kasama ng mga reports na isinusumite ng mga kooperatiba sa CDA.

Kung gusto niyong malaman ang detalye sa COOP-PESOS, maari niyong i-download ang buong manual dito.

2017 Performance

Para sa taong 2017, inaasahan kong makakatanggap ako muli ng 13% average return sa aking mga coop investments. Di hamak na mas mababa ito sa performance ng stock market na tumaas ng 22%.

Ibig sabihin ba nito ay bibitawan ko na ang aking coop investments at ilalagay ko na ito sa stock market?

Hindi.

Ang 13% ay maganda pa ring investment return. Nananatili pa rin namang Good at Very Good ang mga kooperatibang pinili ko. Kaya ligtas pa rin ang aking investment doon.

Subok ko na kasi na consistent at regular ang pagbibigay ng dividend ng mga kooperatiba kaya mananatili ako sa kanila.