Present Value (PV) versus Future Value (FV)

Earning potential

Hindi lamang sa inflation nakalalamang ang pagpili ng isang milyong ngayon dahil kapag natanggap natin ang pera ngayon, maari natin itong gamitin pang-invest at ito ay maaring lumago. Ipagpalagay natin na nakahanap tayo ng investment vehicle na magbibigay ng garantisadong 5% na interest kada taon.

Dahil hindi natin kinukuha ang kita kada taon, ito ay nagiging bahagi na ng principal ng ating investment at kumikita na din. Ang tawag dito ay compounding.

Ang formula para makuha ang future value ay:

Illustration 5:

Ang “i” sa formula ay ang rate na gagamitin natin. Sa ating halimbawa, ito ay ang interest rate na 5%. Ang “n” naman ay ang bilang ng period, sa ating halimbawa, ito ay isang taon (mula Year 0 papuntang Year 1).

I-plug in natin ang PV na 1,000,000 kasama ng mga impormasyon sa itaas at makukuha natin ang PhP1,050,000.

Illustration 6:

Ibig sabihin nito ang PhP1,000,000 sa Year 0 ay nagkakahalaga na ng PhP1,050,000 sa Year 1.

Illustration 7:

 

 

Uulitin natin ang formula at magdadagdag tayo ng isang taon para naman makuha ang halaga ng isang milyon sa Year 2.

Illustration 8:

Kailangan natin itong ulitin hanggang sa maka-abot tayo sa Year 3 kung saan maari na nating ihambing ang dalawang halaga sa parehong panahon.

Illustration 9:

 

Sa puntong ito maari na nating ikumpara ang dalawang halaga dahil pareho na ang panahon nila. Makikitang mas bentahe kung tatanggapin ang PhP1 milyon ngayon kaysa magantay pa ng tatlong taon dahil lalago ang isang milyon ngayon sa halagang PhP1,157,625.