Simple Personal Finance Diagnostic
Kapag sinuri mo, ang mga bagay na inilista nilang assets ay mga non-productive assets at mabilis na mawalan ng halaga. Kung gagamitin ang fair market value para i-assess ang tunay na halaga ng kanilang assets, mauuwi sila sa wala o sa negative net worth.
Higit sa 90% ng mga nakakuha ng score na 0 hanggang 3 ang may pare-parehong resulta.
Marami sa kanila ang baon sa utang partikular na sa mga personal loans at credit card. Kapag tiningnan natin ang kanilang cash flow o pagpasok at paglabas ng pera, nalilista nilang may natitira naman pero nagtataka dahil hindi nila alam kung saan napunta ang pera.
Ang interpretasyon ko diyan ay dahil sa nabubulag sila ng kanilang practices at nahihiya silang harapin ang ganitong personal finance practices. Ang katotohanan ay halos hindi masagot ng kanilang kita ang kanilang mga gastusin.
Higit na mabilis ang pagtaas ng kanilang lifestyle kaysa pagtaas ng kanilang kinikita. Sila ang mga taong hindi pa dumarating ang kita ay naipangutang na nila ito at nagastos.
Isang halimbawa si Rex. Mababasa natin ang tungkol kay Rex sa mga susunod na kabanata. Isa siya sa mga taong baon sa utang. Nasa early 30s na siya at nakatira pa rin kasama ang kanyang mga magulang na tumutulong pa rin sa kanyang mga pang-araw araw na gastusin.
Nagbigay si Garman ng framework para sa epektibong personal financial management. Ayon sa kanya, may apat itong elemento: 1. Magkaroon ng kaalamang pampinasyal 2. Magkaroon ng financial skills at makagamit ng financial tools 3. Malinaw ang mga pampinansyal na pagapapahalaga at layunin at 4. Matukoy ang mga ispesipikong pangangailangan at layaw lamang.
Marami sa mga nakakuha ng score na 5 pababa ay may isang pinapractice sa apat na ito o minsan nga ay wala pa. Yun namang nakakuha ng mataas na score ay ginagawa ang karamihan o lahat sa apat na ito.
Ang Mga Layunin ng Epektibong Personal Financial Management ay:
- Para magamit nang mabuti ang mga kita at yaman.
- Para magawa ang maayos na paggasta.
- Para marating ang mabuti o maalwan buhay.
- Para maabot ang financial freedom.
Kung maaga mong matutukoy at tatanggapin ang iyong personal finance practices ay mabilis ka ring makakausad patungo sa matagumpay na financial future at makukuha ang financial freedom stage.
Nakita ko ang ilan sa aming participants na umakyat sa financial stability mula sa kanilang mababang financial status sa loob lamang ng isa hanggang tatlong taon. Mababasa mo ang iba pang mga kuwento tungkol sa mga tagumpay at kasawian sa personal finance sa susunod pang mga kabanata.
Tampok na Kaisipan
Ang pinakamabilis na paraan sa pagyaman ay ang paghihinay-hinay. Tulad rin ng pagda-diet ang pagpapayaman. Hindi uubra ang crash diets. Higit na epektibo ang pagbabago ng lifestyle at ang kagustuhan mong baguhin ito.