Simple Personal Finance Diagnostic
Sa mga nakakuha ng score na 4 hanggang 5 puntos, karaniwang pinagsusumikapan na lamang na mapag-abot ang kita. Nahihirapan sila sa mga bayarin dahil karamihan sa kanila ay ang siyang breadwinner o ang tanging inaasahan ng pamilya. Karamihan sa kanila, tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay sinasagot ang pinansyal na obligasyon ng lampas pa sa mga responsibilidad lamang nila.
Sila ang bahala sa lahat – mga magulang, anak, kapatid, apo, pamangkin, tiyo at tiya, at marami pang iba. Madalas, ang nabibilang sa ganitong kategorya ay hindi napangangasiwaan nang mabuti ang kanilang kapasidad sa paghawak ng kita at nauuwi sa labis na paggastos.
Napipilitan ang mga taong ito na kumuha ng loan para masagot ang mga gastusin, matupad ang marami nilang responsibilidad, at para mabili ang kanilang mga layaw.
Ang iba naman sa kategoryang ito ay nakaranas ng trahedya o emergency ng walang insurance protection. Tipikal na halimbawa ay ang pagkakasakit ng kapamilya na walang health insurance.
Isa pa ay ang pagkamatay ng breadwinner sa pamilya na wala ring insurance coverage. Ang ganitong mga sitwasyon, hindi man nangyari mismo sa kanya ay maaari sanang napagaan kung nakabili na noon pa man ng insurance.
Isa pang tipikal na senaryo sa kategoryang ito ay ang pagmamadali sa pagyaman. Nais nila ng madaling paraan ng pagyaman. Sila ang mga nabibiktima ng pyramiding o ng mga pekeng pangako ng mga investment scams.
Hindi nila pinag-aaralan ang dalang panganib na kaugnay ng pag-iinvest sa start-ups. Nagiging resulta nito ay hindi sila makabangon kapag nalugi ang investment o nagsara ang negosyo.
Lagi kong pinaaalala sa mga participants na ang pinakamabilis na paraan sa pagyaman ay ang paghihinay hinay. Tulad rin ng pagpapapayat ang pagyaman. Hindi uubra ang crash dieting. Mas mainam ang pagbabago ng lifestyle o ang kagustuhan mong baguhin ito.
Sa mga nakakuha ng 0 hanggang 3 ay bankrupt na nang hindi nila alam. Karaniwan nilang iniuulat sa personal balance sheets na mas malaki ang kanilang assets kaysa sa kanilang mga utang.