Simple Personal Finance Diagnostic
Bilangin ang mga sagot mong “Oo” at tingnan sa table sa ibaba para sa interpretasyon ng iyong personal finance practices.
Sa susunod na table, maraming posibleng deskripsyon sa bawat score na makukuha mo na nasa saklaw nito. Walang ispesipikong deskripsyon ang naglalarawan ng iyong personal finance practice. Karaniwan, grupo ito ng mga deskripsyon tungkol sa mga personal finance practices. Halos libong mga participants na dumalo sa aming financial literacy training ang gumagamit ng tool na ito.
Ang nakukuha ko madalas ay ang personal finance descriptions ng kanilang mga general scores. Sa ganito kaya’t na-develop ang lawak ng saklaw ng deskripsyon ng personal finance self-diagnostic.
Personal Finance Self-Diagnostic Score Descriptions
Napakakaunti, o halos tatlo lamang sa libo-libong lumahok sa aming training na nakakuha ng score na 10. Ako pa mismo ang nanigurado sa kanilang score.
Ang una ay si Susan, isang single mom mula sa Virac, Catanduanes. Isa pa ay si Celeste, may-ari ng manpower agency sa Pilipinas at Dubai. Ang huli ay si Crislen, full-time na nanay at asawa ng executive ng isang multi-national company. Siya ang gumagawa ng budget ng pamilya at nangangalaga sa kanilang kayamanan.
May isang pagkakapareho sa kanilang tatlo. May malinaw silang pagkakaunawa sa kanilang lifestyle at may kakayanang kumita. Wala rin silang mga utang.
Sinasabi sa description na ang mga naka-score ng 10 na nagagamit nila ang kanilang utang nang tama para lalo pang kumita. Karaniwan ang ganitong description sa mga negosyante at investors na may malalim na pag-unawa sa mga panganib at napanghahawakan nila ito nang mabuti.
Nagagawa namin ito ng aking partner. Ang pangunahing istratehiya ng aming financing company ay mapataas ang equity upang mas makautang pa nang mas malaki. Ang tawag ditto ay leverage.
Dahil dito, napabibilis namin ang paglago ng aming negosyo. Sa katunayan, dalawang tanyag na kompanya ang kumilala sa aming pagsisikap at modelo – Ernst and Young noong 2012 at Pricewaterhouse Coopers noong 2015.
Marami naman ang nakakuha ng scores na 8-9 ngunit nasa mga 5% lamang ng mga sumagot ng questionnaire. Ang pagkakapareho naman ng katangian nila sa 10 ay nadadagdagan ang kanilang portfolio na nakapagbibigay sa kanila ng passive income.