Praktikal bang magpatayo ng bahay kung ako ay OFW?
Gaano katagal ka pa abroad?
Kung ang inmediate family mo ay kasama mo abroad, ang pagbili ng bahay ay naayon sa kung gaano niyo pa balak magtagal abroad.
Aminin natin, matatagalan pa sa abroad ang mga permanent residents at naturalized citizens na mag-“for good.” Sa totoo lang, mas marami ang hindi na talaga babalik sa Pilipinas for good, hindi lang nila maamin.
Kung hindi naman titirhan ang bahay, mas maigi na huwag na lang bumili. Sa totoo lang, mas makabubuti pang mag-rent sa AirBnB o short stay sa mga hotels kaysa magpatayo ng bahay.
Mahal ang maintenance ng bahay. Mas naluluma ito kapag hindi natitirhan.
Kung more than five years pa ang timeline niyo bago mag-“for good,” I suggest na huwag munang bumili o magpatayo ng bahay. Talo ka sa depreciation cost.
In contrast, kapag less than five years na lang at ikaw ay mag-“for good” na. I encourage you to buy or build your house. Kasi saktong-sakto lang ito pag-uwi niyo for good.
Rental property
Ibang usapan naman kung ang condo o house and lot na bibilhin ay gagamitin para magkaroon ng rental income. Three basic rules: (1) positive cash flow on the first year; (2) less than eight years return on investment; and (3) buy property insurance.
Here are some suggested readings:
“Paano gumawa ng market research kung balak magpatayo ng rental property”
“How to invest in a condominium as a rental asset?”
“Maganda bang investment ang condo?”
“Magandang investment ba ang lupa?”