Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Ilan rin sa kanila ay dinagdagan ang halaga ng kanilang ipon dahil nagtatabi sila para sa kanilang sex-change surgeries. Sinisigurado ko na magkakaroon sila ng inspirasyon para kapag nag-ipon sila ay positibo ang kanilang pakiramdam tungko sa pag-iimpok.
Kapag nagtuturo ako tungkol sa gawi ng pag-iimpok, sumasalungat ako sa tradisyunal na nosyon na kapag nag-ipon ka ay hindi mo dapat gagalawin. Nag-ugat pa ang ganitong kaugalian sa kinasanayan ng mga taong galit sa mundo.
Ang ganitong estratehiya o pananaw ay nagbibigay ng negatibong pakiramdam tungkol sa pag-iipon dahil sinasabi nitong huwag galawin ang ipon at kasalanang mortal ang galawin ito. Hindi realistiko ang ganitong pananaw.
Nakita ko sa aking pagtuturo ng personal finance na kapwa apirasyon at inspirasyon ang nagtutulak sa tao para mag-ipon. Ang analohiya dito ay ang pagbili ng mga Filipino ng mamahaling laruan para sa mga anak pero pinagbabawal silang paglaruan ito, at hindi pinabubuksan sa display cabinet.
Lubhang nakapanlulumo.
Gumagamit ako ng positibong kahulugan ng pag-iimpok na natutunan ko sa isang chieftain noong nagfacilitate ako ng focus group sa bundok ng Caraballo sa Nueva Vizcaya. Binigyan nya ng kahulugan ang pag-iimpok bilang “pagpapaliban sa mga kasiyahan ng paggasta.”
Nagningning ang aking mga mata nang narinig ko ito. Makalipas ang 15 taon sa personal finance work, taglay ko pa rin sa aking puso ang pagpapakahulugang ito.
Nagustuhan ko ang pagpapakahulugan dahil kinikilala nito ang kasiyahan sa pag-iimpok. Ang paggasta mismo ay hindi masama hangga’t nasa tamang lugar, panahon, at kakayanan.