Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Sa mabuting pagpapalaki ng mga anak, kailangan ng maraming paliwanag kung bakit dapat na igalang ang mga panuntunan. Ang susi para malutas ang ganitong mga isyu ay ang bukas na pag-uusap.
Minsan, hindi maiiwasan na hindi umabot sa pagkakasunduan, at nahihirapan ang ilang miyembro ng pamilya na maging bukas tungkol dito. Sa ganitong sitwasyon, mainam na maging mahinahon.
Bigyan ng panahon ang sarili.
Bagama’t huwag na hindi ituloy ang pag-ugnay kung saan kailangang pag-usapan ang mga isyu para ihanap ng kalutasan. Karaniwang pagkakamali ay ang hayaan na lang itong lumipas, bumaba ang mga emosyon, parang walang nangyaring anuman, at magpatuloy sa buhay.
Mapanganib ito dahil kapag may nangyari uling problema, mauungkat uli ang nakaraan at dadagdag lang pa ito sa bagong isyu. Higit lamang na lalala ang problema.
Kailangan ding pag-usapan ng mga Filipino ang tungkol sa pera, lalo na sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang usapin sa pera na hindi napag-usapang mabuti at hindi nailagay sa tamang perpektibo ay maaaring mauwi sa hindi pagkakaunawaan.
Ano pa ang ibang uri ng galit sa pamilya?
May ibang nagkikimkim ng galit dahil hindi sila napagbigyan. Ang iba ay galit dahil sa hindi sila ang paborito. Karaniwan itong nangyayari sa hatian ng mana ng pamilya.
Kailangan mawala ang galit sa pamilya anuman ang mangyari. Huwag itong hayaang pumasok sa pamilya. Dito nagmumula ang maraming hirap pampinansya.
Galit sa Pera
Sa Pilipinas, galit sa pera ang isang tao kung wala siyang pakundangan sa paggasta. Galit sila sa pera kaya’t kailangan nila itong gastasin agad paglapat pa lang sa kanilang palad.
Dahil ito sa labis na kahirapan o napagkaitan ng magandang buhay. Ang mga taong may ganitong ugali ay karaniwang mahihirap at biglang nagkaroon ng kakayanang kumita.
Pakiramdam nila ay napagkaitan sila ng mga bagay kaya’t dito sila gumagasta nang parang wala ng bukas kapag nagkapera sila. Ginagastos nila ang kanilang kita at ikinakarga ang iba pang gastos sa credit lines at loans.
Hindi nila alintana ang walang kontrol na paggasta kahit pa malugmok sila sa utang.