Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Alalahanin na ang tiwala ang saligan ng mga relasyon – business transactions, pagkakaibigan, at maging pag-aasawa.
Ikaapat, negotiable ang mga kontrata. Sakali’t makita ng isang partido na hindi niya kaya ang ibang bahagi ng kontrata, kailangan lamang niyang muling makipagnegosasyon sa kontrata.
Pagkakasunduan ulit ito ng lahat ng partido at pawawalan ng saysay ang naunang kontrata. Kung tutuusin, ang kontrata ay ang pinaka-manipestasyon ng kompiyansya; kompiyansya sa sarili at sa iba, at sa lahat ng partidong involved na makatutupad sa ipinangako sa kasunduan.
Naiinis ako sa mga taong nagsasabi na “Bakit kailangan nating pumirma ng kontrata? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”
Ang lagi kong sagot ay: “Gusto kong pumirma ka sa kontrata dahil nagtitiwala ako na tutuparin mo ang kasunduan na ginawa natin sa kontrata.”
Hindi naman natin lolokohin ang isa’t isa hindi ba? Anong ikinatatakot mo?
Kapag sinabi ng kabilang partido na may mga hindi siya kasiguruhan kung kakayanin niya ang kasunduan, lagi kong pinaaalala na maaari namang magkaroon ng negosasyon at gumawa ng bagong kontrata.
Sa sarili kong pamilya, lagi kon sinisiguro na ang business transactions namin ay nakasulat at may ipatutupad na kontrata. Para ito sa aming proteksyon upang hindi kami mag-away-away.
May panuntunan akong kapag ang halaga ng transaction ay P5,000 pataas, kailangan na ng kontrata. Ginagawa ko ito maging sa aking mga magulang. Maayos naman ang lahat hanggang ngayon.
May nakilala akong single mom sa Virac, Catanduanes noong nagbigay ako ng litearacy training sa isang institusyon doon. Tawagin natin siyang Susan. May dalawang anak si Susan at iniwan siya ng asawa para sa isang babae nung maliit pa ang kanilang anak.
Hinarap nya ang lahat nang walang pagkukunwari. Siya ngayon ang head sa kanilang department at malamang na tumaas pa ang kanyang posisyon sa kompanya.
Ikinuwento niya sa aking hindi niya ginagalaw ang kanyang mga bonus simula ng iwan siya ng kanyang asawa. Iniiwasan nya ang tukso ng kanyang mga kasamahan na bumili ng mga bagay ng biglaan.
Halimbawa, may kasamahan siyang nagbebenta ng mga damit o accessories. Hindi siya bibili nito.