Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Hindi dapat hinayaan ni Anna ang ugali ni Rex nang hindi nito mabayaran ang kotseng binili. Alam niyang hindi talaga itong kayang bilhin ni Rex.
Lubog siya sa bundok ng utang at nawalan pa ng trabaho. Nang isalba ni Anna at ng kanyang asawa si Rex, hindi nila ito tinutulungan; mali ang signal na ipinararating nila.
Ito na ang pagkakataon para matuto si Rex ngunit ipinagkait ito sa kanya ng mga magulang.
Ginawa itong lahat ni Anna para linisin ang pangalan ng pamilya. Binalaan ko si Anna tungkol sa kanyang ginawa at sinabi sa kanyang tigilan na ang paglutas sa mga problema ni Rex.
Sinabi kong kung kaya itong gawin ni Rex sa kanyang pamilya, malaki ang tyansa na magagawa rin niya ito kahit sa mga walang relasyon sa kanya. Mas magiging malala ang problema kapag nangyayi yun dahil masasakdal si Rex sa korte at masisira siya sa publiko, mga bagay na iniiwasan ni Anna.
Ngunit sa katunayan, ang aksyon at desisyon niya ay nagbigay sa anak niya ng kabaligtarang pag-unawa. Mas inilagagay niya ang kanilang reputasyon sa panganib.
Iminungkahi ko kay Anna na gawin ang mga sumusunod:
Una, kailangan niyang gumawa ng kontrata kay Rex para harapin nito ang mga utang sa magulang. Kailangang naka-detalye rito ang mga terms and conditions ng loan. Kailangan niya itong pagtibayin sa pamamagitan ng sulat.
Ikalawa, sinabi ko sa kanyang ipunin ang perang makokolekta niya mula kay Rex at gumawa ng negosasyon sa credit card companies.
Ikatlo, itigil na niya ang pagbabayad sa biniling kotse ni Rex. Ibenta na nila ito. Maaaring ipambayad sa natitirang loan ang mapagbebentahan. Kapag higit na mababa ang sale value ng kotse kaysa sa halaga ng kanyang loan, iminungkahi kong hayaan nang ma-repossess ang kotse.
Hindi na naman nila ito kailangan dahil nasa ibang bansa naman sila, at hindi naman kayang tustusan ni Rex dahil sa kanyang sitwasyong pinansyal. Kailangan niyang sumakay ng jeep at matutong magtipid para mabayaran ang kanyang mga utang.
Hinihintay ko pa ang sagot ni Anna at sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.