Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya

Para harapin ang kahihiyan sa pangalan ng pamilya, kailangang maunawaan ang konsepto ng dangal.  Ang dangal ay katapatan at integridad sa isang paniniwala o kilos.

Hindi mahalaga kung ano ang nakikita ng mga tao pero ang mahalaga ay ang iyong paninindigan.  Hindi binigyan ni Rex ng dangal ang kanyang mga magulang dahil hindi siya tapat sa kanila.  Ganundin naman si Anna kay Rex nang hayaan lang niya si Rex sa mga ginawa nito.

Ano ang punto ng kataksilan?

Ito ay ang paggasta ni Rex ng perang hindi kanya at hindi niya pinaghirapang kitain.

Pagkukunwari

Hindi ko personal na kakilala sina Rex at Anna. Ngunit may konkreto akong imahen ni Rex sa isip ko dahil sa mga impormasyong natanggap ko.

Isa siyang tao na mahilig sa karangyaan at may gustong patunayan.  Gusto niyang ipakita sa mundo na mayroon siyang economic power na sa katotohanan naman ay wala ngunit pinahihintulutan ng kanyang mga magulang.

Kapag marami kang utang, wala kang karapatang sa isang magarbong bakasyon o bumili ng kotse. Kung isa kang taong hinaharap ang iyong utang, magbabayad ka muna bago gumastos para sa mga layaw mo.

Kailangang tigilan na ni Rex ang kanyang pagkukunwari.  Maaaring peer pressure o pagpapalayaw rin ng magulang kaya’t ganito ang kanyang asal.  Anuman, kailangan na niyang tigilan ang hindi matapat na ugali.

Ang ugali ni Rex ay bahagi ng ating lipunan ngayon. Ang tindi kung paano magkunwari ay nagkakaiba iba.  Ang iba, tulad ni Rex, sasagarin ang limitasyon habang ang iba naman ay hindi gaano.

Sa panahon ng social media, madali ang pagpapanggap.  Mahirap malaman kung ano alin ang totoo at alin ang hindi.

Marami ang nagkukuwari samantalang ang iba ay hindi talaga malay na hindi nila kayang tustusan ang mga bagay na mayroon sila. Mas madaling magpanggap na ibang tao ngayon kaysa dati.

Puwede ka pang mag-iba ng persona sa internet.  Sa pagdating ng social media, mas mahirap kilalanin ang sarili.

May ibang gumagamit ng internet na nagtatago ng identidad para ilantad ang sarili.  Gumagawa sila ng avatars. May dalawa na silang mundo kung ganun – ang totoo at ang virtual na mundo.