Paanong nakakasagabal sa pagyaman ang takot
Maaaring mamatay ako sa nerbyos o sa takot na matumba sa unang suntok ni Manny. Ito ay dahil sa hindi naman ako eksperto sa boxing.
Ngunit kung kapwa kami magbibigay ng training sa microfinance, walang wala siya sa akin. Kahit pa mas sikat siya, alam kong magiging mababa siya sa ratings ng evaluation at effectiveness kumpara sa akin.
Higit akong babayaran nang malaki sa aking larangan tulad din ng babayaran si Manny nang higit kaysa sa akin sa kanyang larangan. Ito ang ibig kong sabihin na magkaugnay ang pagtataya at panganib.
Ganito rin ang prinsipyo sa investing. Kailangang maunawaan mo ang mga panganib na mayron sa investment.
Kapag nasukat mo na kahit paano ang risk, ang susunod na desisyon ay ang unawain kung ang investement instrument risk ay tumutugma sa financial position ng investor. Mariin kong ipinapayo na pamahalaan mo ang sariling investment.
Huwag itong papasukan kung hindi mo lubos na naiintidihan ang investment instrument o vehicle.
Bilang buod, kailangan natin ng ibayong pagsisikap para maalis ang mga takot na humahadlang sa atin para maabot ang ating personal finance success. Nangangailan ito ng maraming disiplina, responsibilidad, at kaalaman.
Kung gayon, paano natin maiwawaglit ang takot? Ang sagot ay lakas ng loob. Ito naman ang kailangan para magmahal/umibig dahi ang pagmamahal/pag-ibig ang nakagagapi sa takot.