Paanong nakakasagabal sa pagyaman ang takot
Kung magiging praktikal, responsibilidad ng anak na mag-aral mabuti at makapagtapos sa tamang paanahon. Ang pagkahuli sa pagtatapos dahil sa nabuntis o bumagsak sa klase ay nakaka-delay sa pagbabalik ng OFW.
Kapag nag-drop ang anak sa pag-aaral, higit na nagiging mabigat ang sitwasyon dahil mababa ang tsansa na makakuha siya ng trabaho. Nawawalan ang pamilyang magkaroon ng dagdag na kita at nadaragdagan din ang mga pasanin.
Responsibilidad rin ng asawang naiwan na ayusin ang paghawak sa kanilang kabuhayan. Sa pananaliksik ng SEDPI, natuklasan naming na ang kita ng OFWs ay ang siyang bumubo ng 50% hanggang 80% ng pera ng kanilang pamilya.
Mababawasan naman ang porsyentong ito kung ang ibang miyembro ng pamilya ay nagtatrabaho at nagbibigay ng kontribusyon sa mga gastusin sa bahay. Maaaring ang kita ng miyembro ng pamilya ang siyang gagamitin para sa pagkain, damit, at bills ng pamilya ng OFW.
Habang ang kanya namang kita ang siyang gagamitin bilang pondo at mga gastusin tulad ng para sa edukasyon ng mga anak, pagpapatayo ng bahay, o kaya’y pagsisimula ng negosyo. Ang panganib lang na kung ang gagamitin ay ang kita ng miyembro ng pamilya para sa mga pangunahing pangangailan nila ay ang mauwi ito sa isang maluhong pamumuhay.
Ang pagpapanatili ng simpleng buhay ang magtataguyod sa inyo nang pangmatagalan.
Nang matutunan ko sa paaralan ang tungkol sa pagmamahal/pag-ibig, napagtanto ko na hindi madaling magmahal/umibig. Kailangan ang hindi birong pagsisikap, commitment, at disiplina.
Nangangailangan ito ng respeto at sinseridad. Lahat ng mga katangiang ito ay makikita sa kung paano rin tayo mangasiwa ng ating pera dahil sa mga panahong ito, maaaring kilatisin ang ating mga pagpapahalaga at pagdadala ng sarili sa pamamagitan ng pera.
Ang mga gawi mo ay may katumbas na halaga. Kaya’t sa susunod na kumuha ka ng iyong wallet, tanungin ang sarili: Mas magmamahal ba ako sa gagawin ko? Kung magdedesisyon ka lalo na’t tungkol sa pinansya, tinutulungan mo rin bang lumago ang taong paglalaanan nito?