Paanong nakakasagabal sa pagyaman ang takot
Matututo silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Ang paglago nila ang tunay na bisa ng pagmamahal/pag-ibig.
Choice o paghirang ang pagmamahal/pag-ibig. Ang desisyon ng pag-alis ay huwag ipapasan lamang sa isa. Pinagkasunduan iyon ng pamilya at hindi lang ng mag-asawa.
Sa kolektibong desisyon na ito, bawat miyembro ng pamilya ay kailangang gawin ang kanilang responsibilidad para mapanatiling buo ang pamilya. Kapag umalis ang OFW, hindi siya dapat sisihin sa pagiging absentee parent.
Hindi rin siya puwedeng i-blackmail ng kanyang pamilya dahil desisyon nilang lahat ang kanyang pangingibang- bayan. Mahirap na nga mismo ang pag-iisa sa ibang bayan.
Hindi na nila kailangan ng iba pang pasanin at emotional blackmail mula sa kanyang pamilya. Kailangan ng kanyang pamilya na ibigay sa OFW ang kasiguruhan ng kanilang pagmamahal dito.
Dapat piliin ang tamang paraan ng pagmamahal kahit na masakit ito. Kapag may nangyaring problema, kailangang maging daan ito para lalong patatagin ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapanatiling buo sa pamilya.
Ang ikatlong kahulugan ng pagmamahal/pag-ibig ay isang Gawain. Trabaho ang pinakadahilan ng mga OFW sa kanilang pangingibang bansa at iwanan ang pamilya ay ekonomiya. Gusto nilang makaahon sa kahirapan at nangangarap na magkaroon ng magandang buhay.
Ang pinakamahirap dito ay kung paano ito mae-enjoy nang hindi mabubuwag ang pamilya. Sa ganitong paraan, mae-enjoy din nila ang pang-ekonomiyang benepisyo mula sa pangingibang-bayan. Kailangan nilang magkaisa para manatiling buo ang pamilya.
Ang layunin ay gamitin ang oras habang magkalayo, alalahanin ang masasayang panahon noong magkakasama, at makalikha ng mga alaala kasama ang mahal sa buhay. Ilang beses na tayong nakarinig na hindi nakita ng OFW ang unang beses na naglakad, nagsalita ang kanyang anak, hindi nakadalo sa mga birthday at graduation, hindi naalagaan ang mga anak kapag maysakit, at hindi sila nagabayan sa kanilang paglaki?
Ilang beses tayong nakarinig na nasira ang pamilya dahil sa pagtataksil? Ang pag-alis ng isang miyembro na pamilya ang sanhi ng ganitong mga problema.
Sa aking isip, maaari itong matugunan kung ang bawat miyembro ng pamilya ay nagsikap para maabot ang pangarap ng pamilya. Sa ganito mapabibilis ang pagpoproseso sa pag-alis at mapapadali rin ang pagbabalik.