Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Pakiramdam ng Pagkabagabag o Gulity sa Pagkakamali ng Iba
Karaniwan ang ganitong guilt sa mga magulang. Kapag nagkamali ang kanilang mga anak, nababagabag o nagi-guilty sila rito.
Marami sa mga lumahok sa aming trainings ang nagsasabi nito. Bilang bunga ng guilt, sinisisi nila ang sarili kaya’t ang kinahihinatnan ay akuin ang mga financial implications sa pagkakamali ng kanilang mga anak.
Narito ang ilang halimbawa ng mga magulang na nasa ganitong sitwasyon. Isang halimbawa ay ang absentee OFW nanay na nagpapaaral sa kanyang mga apo.
Isa pang halimbawa ay ang negosyanteng tatay na laging busy at walang oras para sa kanyang mga anak ay bibili ng mga bagay para mabawi ang mga oras na hindi naibigay.
Para maharap ang guilt, kailangan mong magkaroon ng malinis na konsensya. Kailangan mong sabihin sa sarili na wala kang masamang hangarin at ang ginawa mo ay batay sa mabuting katwiran.
Mahalaga ring isama ang mga kasangkot kapag gumagawa ng desisyon upang ang responsibilidad ay pinagsasaluhan at pinanagutan na kasinglinaw ng mga kahihinatnan ng desisyon.