Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Ang isa ay maaaring maatasan para sa pangangalaga ng mga anak at tahanan, habang ang isa ang kumikita para sa pamilya. Ang dalawang magkaibang tungkuling ito ay may pantay na uri ng responsibilidad.
Hindi dahil sa ikaw ang kumikita at ang asawa mo ang nag-aalaga sa mga bata ay mas responsable ka kaysa kanya.
Kung may mga anak ka, single man o may asawa, responsable ka sa pangangalaga sa kanila. Matatapos ito kapag 21 taon na sila.
Sa tingin ko, hindi ka matagumpay na magulang kung nakadepende pa rin sa ‘yo ang anak mong lampas 21 taong gulang na. Alalahanin ang pakahulugan ng pagmamahal/pag-ibig.
Pagmamahal/Pag-ibig ito kung hahayaan mong lumago ang isang tao. Magandang palatandaan ng paglago ang financial independence.
Kung gayon, kapag hinayaan mo ang anak mong higit 21 taong gulang na umasa pa sa iyo, hindi sila lumago bilang tao. Hindi mapagmahal na gawi ang hayaan silang umasa sa ‘yo.
Bilang magulang, hindi dapat ikaw ang humaharap sa mga pagsubok na meron ang iyong mga anak. Kailangan mo lang magbigay ng gabay at hayaan silang lutasin ang sarili nilang problema.
Kapag ikaw pa rin ang lumulutas sa kanilang suliranin, tatanda silang naniniwala na ikaw dapat ang sumasagot sa kanilang mga problema. Gagawin nila itong karapatan at haharap ka sa walang katapusang problema.
Ang matatanda, ang mga may kapansanan sa isip at pisikal na bahagi ng iyong pamilyang nukleyar ay responsibilidad mo rin. Ibig sabihin, kailangan mo ring tugunan ang kanilang pangangailangan.
Kung hindi ka financially stable, hindi ka dapat tumutulong sa ekstensyon ng iyong pamilya- tiyo, tiya, pinsan, at mga pamangkin. Binibigyan mo ng hindi nararapat na financial pressure ang sarili kung sasagutin mo ang kanilang mga pinansyal na responsibilidad.
Kung pipiliin mo pa rin ang pinansyal na responsibilidad na inilarawan ko, desisyon mo na ang pagpili rito. Hindi naman ito masama, siyempre.
Kailangan mo lang tanggapin na magiging patuloy na pinansyal na paghihirap ito dahil pinili mong kunin ang responsibilidad na lampas pa sa dapat lamang ay sa iyo.