Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Inabot siya ng mga tatlong taon para mabayaran ang kanyang mga utang, makapag-ipon ng sapat para sa emergency, at bumili ng insurance.
Para maharap ang ganitong klase ng pagkabagabag o guilt, kailangan nating linawin at tukuyin kung kanino tayo may pinansyal na responsibilidad. Ang ibig sabihin ng reponsable ay may obligasyon tayong pinansyal para ibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan ng mga umaasa sa atin- pagkain, bahay, damit, medisina, at edukasyon.
Ang unang istratehiyag kailangang sundin ay ito: Hindi ka dapat tumutulong pinansyal ng labas sa iyong responsibilidad kung hindi ka financially stable.
Binibigyang-kahulugan ko ang financial stability sa tatlong bagay- may emergency savings na kayang tustusan ang siyam na buwang halaga ng iyong gastusin, may sapat na insurance coverage, at mayroong preskripsyon na net worth kaugnay ng iyong edad.
Kung hindi mo natutupad ang tatlong kahilingang ito, hindi ka financially stable at wala kang kakayahang para tumulong financially. Kapag ipinilit mong tumulong, tiyak na maghihirap ka sa huli.
Para itong pagtulong sa nalulunod pero ikaw mismo ay hindi marunong lumangoy. Mas malaki ang mawawala kapag ginawa mo ito dahil hindi lang isa, kundi dalawang buhay ang mawawaldas.
Kung tutulong at ikaw ay financially stable, mas marami kang haharaping financial problems. Pareho kayo ay maaaring malubog sa utang.
Hindi ko maisip ang pagkabagabag ng isang tao kapag nakakita siya ng nalulunod at hindi niya ito maililigtas dahil hindi siya marunong lumangoy. Ngunit ang pagliligtas sa kanyang buhay sa pamamagitan ng paglalagay ng sarili mo sa panganib ay hindi lamang ang tanging solusyon.
Maaari kang humanap ng sasagip sa kanya. Maaari mo ring itsahan ng life jacket, ng kahoy, o tali para makaligtas ang nalulunod. Epektibo rin ang istratehiyang ito nang hindi inilalagay ang sarili sa panganib.
Ganundin sa finance.
Hindi mo kailangang i-alok ang iyong pinansyal na tulong kung hindi ka financially stable para matulungan siya sa kanyang financial problem. Nakakatuwa kung paano ko tinutulungan ang mga taong ayusin ang kanilang mga personal na finance problem nang hindi ako gumagastos ni isang sentimo.