Insurance versus Health Maintenance Organization products
Nagagampanan ng mga HMO ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pag-review sa pagangailangan ng bawat pasyente bago ang treatment, pag-require ng ikalawang opiniyon bago hayaang magsagawa ng pagkalinga ang mga dokto, pagbibigay ng authorization bago ang hospitalization at pangangasiwa sa pagbibigay ng paunang pahintulot sa mga serbisyong isinasagawa ng mga espesyalista.
Mas maraming ibinibigay na insentibo ang mga HMO sa pagpapahalaga sa preventive maintenance procedures na makatutulong sa mga pasyenteng makaiwas sa malalalang suliraning pangkalusugan at gastusin. Halimbawa, karaniwang nagbibigay sila ng physicals at checkups sa mababang halaga o libre
sa kanilang mga miyembro na nakatutulong upang ma-detect at mapigilan ang maraming pangmatagalang komplikasyon.
Maraming plan ang nagbibigay ng mga cancer screening, pre-natal care, stress reduction classes, at mga programang makatutulong sa mga miyembrong huminto sa paninigarilyo at iba pang serbisyong makatutulong sa mga sponsor na makatipid sa kalaunan. May iba ring plan na nagbibigay ng financial compensation sa mga miyembro nitong nakapagbabawas ng timbang o nakakamit ang fitness goals.[5]
Sa Pilipinas, karaniwang mas mababa ang premium ng health insurance kaysa sa premiums na binabayaran sa HMO plan. Sa aking obserbasyon, nakadisenyo ang mga health insurance products para sa mga emergency care at ang mga HMO naman, para sa preventive healthcare at kaunting emergency care benefit.
Nito lamang, nagbayad ako ng halos PhP15,000 na premium para sa isang health insurance product at nakakuha ng PhP1,000,000 sa emergency healthcare benefit. Mistulang endorsement ito ng health insurance product, pero sa totoo lang hindi.
Kailangan mong pumili ng health care product batay sa iyong mga pangangailangan. Kung kakayanin mo, maaari mong kunin pareho. Pero kung kailangan mong pumili sa dawala, timbangin mo kung mas mahalaga sa iyo ang emergency o preventive health care.
Sa kaso ko, pinili ko na magkaroon ng health insurance dahil pre-disposed ako sa maraming kinatatakutang sakit na nangangailangan ng emergency at in-patient care dahil na rin sa aking medical history (kapuwa hypertensive ang magulang ko at diabetic, may lupus ang nanay ko at heart condition).
Natutugunan ko ang preventive care sa pamamagitan ng agarang pagbabayad para sa taunang physical exams, regular na ehersisyo at hangga’t maaari, pagpili ng tamang pagkain.
[5] Ibid