Insurance terms na kailangan mong malaman at maunawaan
Isaalang-alang mo rin ang edad ng beneficiary. Karamihan sa mga insurance policy ay hindi nagbabayad ng claim sa mga menor de edad gayong kailangan ito ng legal guardian. Hangga’t hindi nakararating sa legal na edad ang beneficiary, ang legal guardian nito ang may legal na awtoridad sa kaniyang matatanggap.
Kaugnay pa nito, wala ring kakayahan ang mga menor de edad na pangasiwaan ang kanilang assets muls sa claim. Pinakamabuting magtalaga ng mapagkakatiwalaang guardian sa mga menor de edad kung ito ang gagawin mong benepisyaryo ng iyong insurance.
Claims
Sa pagpili ng insurance product, mabuting pag-aralan ang claims processing record ng insurer. Mabilis ba itong magproseso ng claims, risonable ba ang documentary requirements nito. Tapat ba ito sa nakatalang benepisyo sa insurance product.
Tanungin mo ang ahente ng iyong insurance kung gaano kahaba ang karaniwang pagpoproseso ng claims. Kung possible, humingi ka ng aktuwal na kaso mula sa kanila sakali’t hindi ka makakakita ng kakilalang may direktang karanasan sa claims prosesing ng naturang insurer.
Exclusion
Ang isa pang area na kailangan mong pag-aralang mabuti bago pirmahan ang insurance policy ay ang exclusions. Kailangan mong matiyak kung ang insurable event na gusto mong ma-cover ay sakop nga ng iyong insurance policy.
Tingnan mo na lamang ang kaso ng Ondoy. Ayon sa Philippine Insurance and Reinsures Association, mahigit 14,000 sasakyan ang nasira nang dumating ang bagyong Ondoy.
Subalit hindi sakop ng karamihan sa mga insurance policy car owners ang “acts of God o nature”. Karamihan sa mga aktibong insurance policies noon, accidents at own damage lang ang sakop. Bahagi ito ng exclusion ng kanilang insurance policy.
Bunga nito, hindi nila nakuha ang kanilang insurance claim. Isa pa sa karaniwang exclusions ay ang war-torn areas. Halimbawa, napansin kong ilan sa mga insurance policies hindi sakop ang ilang lugar sa Mindanao.
Eligibility
Kailangan ring i-double check kung eligible ka ba talaga para bumili ng insurance policy. Karamihan ng alam kong mabibiling insurance policy sa merkado ay ibinebenta lamang para sa mga 18 – 65 taong gulang.