Money tips para sa mga millennials
Pangunahin sa paggamit nila ng utang ay para sa pagkonsumo – para punan ang kanilang YOLO lifestyle. Malinaw na hindi ginamit sa produktibong bagay ang mga loans na ito dahil hindi naman ito nagbibigay ng kita.
Na-eenganyong magkaroon ng utang ang mga millennials dahil sa di hamak na dali sa pagkuha ng utang sa panahon ngayon. May mataas din “peer pressure” para umayon o makigaya sa dahil sa pagkauso ng social media.
Kulang ang emergency savings
Walo sa bawat sampung millennials ay hindi sapat ang kanilang emergency savings. Ang sapat na emergency savings ay katumbas ng siyam na buwang gastusin. Malamang ang YOLO lifestyle ang nagpapairal ng ganitong kakulangan sa disiplina sa pag-iimpok.
Kalahati ang walang insurance
Lima sa bawat sampung millennial ang walang insurance. Ang insurance ay siyang proteksyon sa sakuna at mga di inaasahang pangyayari.
Mas maraming millennial ang nag-iinvest
On the bright side, mas maraming millennials ang may investment kumpara sa mga naunang mga henerasyon. Dalawang beses silang mas malamang na magkaroon ng investment at mas aktibo din sila sa financial and capital markets.
Mataas ang kanilang pakikilahok dahil sa mas maunlad na financial and capital market at dahil na rin sa dali ng pagkuha ng mga financial products and services. Ang kalagayan sa pag-iinvest ngayon ay nagpapagana sa mga millennials na makilahok sa investment. Dagdag pa dito na karaniwang mas komportable sa risks kumpara sa mga naunang henerasyon.
Financial Tips to Millennials
Ang YOLO at FOMO (Fear of Missing Out) ay mga agarang hamon na kailangang bigyan ng ibayong pag-iingat ng mga millennial. Parehong tanda ng konsumerismo ang dalawang ito. Hindi naman masamang-masama ang mga ito.
Kapag ginamitan ng ibayong pag-iingat, ang YOLO at FOMO ay maaring pagmumulan ng inpirasyon upang masigasig na maumpisahan ang pag-iipon at pag-iinvest. Wants para sa mga naunang henerasyon ang YOLO pero itinuturing itong needs ng mga millennials.
Dapat alamin nang maaga ng mga millennials na wants lang ang mga ito upang magkaroon sila ng mas mabuting patnubay kapag gumagawa ng mga pagpapasya sa pera.