was successfully added to your cart.

Cart

Papaano mapapalago ang ipon

May dalawang estratehiya sa pagpapalago ng savings.

Bawasan ang gastusin

Pinaka popular dito ang pagbabawas ng gastusin. Mainam na estratehiya ito, ngunit malimit hindi sapat upang makamit natin ang nais na layuning pinansiyal.

 

Palakihin ang income

Ang isa naman na madalas makaligtaan, ay ang pagpapalaki ng income. Mangangahas akong sabihin na higit na mainam na estratehiya ito sa pagpapataas ng savings gayong nakalilikha ito ng bagong yaman o bagong pagkukunang yaman.

Sa karanasan ko, hindi masaya ang magtipid o magbawas ng gastusin. Wala pa akong narinig na taong naganyak magbawas ng gastusin. Sa katunayan, hindi nagiging isyu ang pagtitipid o pagbabawas ng gastusin kung malaki ang income. Sa kabilang banda, may kapansing-pansing pananabik sa mga tao kapag nalaman nilang madaragdagan ang kanilang kita.  

Dahil marami nang estratehiya at tips sa pagbabawas ng gastusin, ang pagpapataas ng income ang pagtutuunan ko ng pansin.

Overtime at part time

Kung empleyado ka, ang pagtatrabaho ng overtime ang pinakamabilis na paraan ng pagpapalaki ng income sakali’t hinahayaan ito at binabayaran ng inyong kumpanya. Kung hindi ito posible, ang isa pang paraan ay ang pagtatrabaho nang part-time sa labas ng iyong regular job tiyakin mo lang na hindi magkakaroon ng conflict of interest kapag ginagawa mo ang iyong part-time job sa labas ng iyong regular na trabaho.

I-alok ang specialized knowledge and skills

 Maaari mo ring i-alok ang iyong specialized knowledge o skills bilang serbisyo. Halimbawa, napakaraming online jobs na may kinalaman sa kaalaman at kasanayan sa bookkeeping, marketing communications, virtual executive assistant services, graphic design, language instruction o training at iba pa.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: