Naimbitahan akong maging panel reactor ng Bangladesh-based Centre on Integrated Rural Development for Asia and the Pacific (CIRDAP) at ng Department of Agrarian Reform ng gobyerno para sa kanilang agribusiness forum.
Si Bb. Joan Anna Cua-Uy, agre-enterprise and marketing consultant ng Catholic Relief Services, ay nagbigay ng kaniyang karanasan sa pagbibigay ng capacity building sa mga farmers. Ang mga capacity building interventions ay maaring in the form of research, training, consulting, market linkaging, partnership building at marami pang iba.
Ginamit ko ang microenterprise development principles upang magbigay ng aking kaisipan tungkol sa pagtulong sa ating mga magsasaka para sila ay magkaroon ng mas malaking kita at makaangat sa kahirapan. Ito ay ang mga sumusunod (1) achieves high impact – both breadth and depth; (2) sustainable; (3) specific and focused interventions; (4) cost-effective at (5) market-driven.
Gusto kong pagtuunan ng pansin ang pang-limang microenterprise development principle –ang pagiging market-driven. Nakasanayan na ng magsasaka ang magtanim ng bigas, mais, buko at iba pang mga commodities na karaniwang sila ay nalulugi.
Samakatuwid, supply-driven. Kaya hindi ganun kaganda ang presyo.
Mahalagang malaman ng mga magsasaka kung anong gusto ng market o mamimili. Dito dapat iba-base kung ano ang itatanim para magkaroon ng malaking kita.
Base sa pananaliksik namin sa Bureau of Agricultural Statistics at Department of Trade and Industry, kinalap namin ang mga tanim na magandang itanim at malakas ang market demand. Sana ay makatulong ito lalung-lalo na sa inyo na nagbabalak pumasok sa agriculture.
SIr vince panu po yan pd po b maginvest diyan?