Increase in income should be faster than increase in lifestyle

Isang natatanging katangian ng mga HENRY ang pagkakaroon ng disposable income. Yun nga lang, marami sa kanila ang ginagamit ito sa tinatawaf na discretionary spending o hindi naayong paggastos.

Marami ang gusting patunayan na umangat na ang antas ng kanilang pamumuhay kaya naghahangad na magkaroon ng mga status symbol na magpapatunay nito. (Basahin: 11 status symbol sa Pilipinas)

Ito ang ilan sa mga pinagkakagastusan nila: mga damit; gadgets, appliances at iba pang home furinushings; pagkain sa labas at pagkakaroon ng night life; travel o bakasyon; groceries; gym membership, yoga sessions at iba pang fitness expenses; at mga personal services tulad ng spa, massage, haircut at hair treatment.

Hindi naman masama ang mag-asam ng maayos o marangyang lifestyle. Pero mas maganda kung ito ay gagawin sa tamang panahon at tamang uri ng income. Sa aking rule, passive income dapat ang gamit natin sa mga wants. Ang passive income at ang income galling sa investments na dumarating kahit hindi nagtatrabaho. (Basahin: Paano matutustusan ang wants)

Habang kumikita nang malaki, sana ay gamitin ng mga HENRY ang pagkakataong itong mag-ipon at mag-invest. Sa ganitong paraan kasi mapapabilis ang pagkakaroon ng passive income at makakamit ang tunay na financial freedom.

Ang pagyaman, napag-aaralan!

Gaya ng aking tagline sa aking online show, “Usapang Pera,” ang pagkakaroon ng kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at paghawak ng pera ay isang life skill na dapat nating matutunan. Mabisa itong paraan upang mawala ang takot sa pag-iinvest.

Magsimula sa basics. Turuan muna ang sariling mag-ipon ng emergency savings o emergency fund. (Basahin: Saan dapat nakalagay ang emergency fund)

Sunod dito, turuan ang sarili tungkol sa insurance at sa investments. Makakatulong din kung gagawa ng financial plan upang magkaroon ng gabay at mabigyan ng prayoridad ang mga pangarap sa buhay.

Mabilis yayaman ang HENRY kung aaksyon

Mapalad ang mga HENRY dahil may kakayahan silang kumite nang Malaki. Nasa sa kanila na lang ang desisyon at pagpili kung paano ito gagamitin. Kung aalamin ang obligasyon at responsbilidad at sasabayan ito ng panindigan sa pagbibigay ng limitasyon sa pagtulong sa pamilya, mabilis ang pagyaman.

Kung ipagpapaliban ang paggasta at gamitin muna ang pera sa pag-iipon at pag-iinvest, masa mapapabilis ang pagkakaroon ng passive income. Ito ang estratehiyang tiyak na makapagpapayaman.

Magbigay laan ng panahon sa pagaaral upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera upang maibsan ang takot. Gumawa ng financial plan bilang magsilbing gabay ditto.

Kapag sinunod ito ng mga HENRY, mas makakatulong sila sa kapwa at mas magkakaroon sila ng marangyang buhay sa hinaharap.