Para sa akin, meron tayong 4 na best friends para sigurado ang pagyaman. Ito ay ang mga accountant, lawyer, bank officer and doctor.
Pay the right taxes
Bayaran ang buwis nang tama. Obligasyon at responsibilidad natin ito.
Kasabay ng pagyaman ay ang di maiiwasang paglaki din ng buwis na babayaran. Dito papasok ang una nating best friend – ang accountant.
We have to make sure that we pay taxes at the right time para maiwasan ang tax liabilities. Walang saysay ang pinaghirapang pera kung may pagkukulang sa pagbabayad sa buwis.
In my case, I employ the services of tried and tested audit firms to prepare financial statements and filing of taxes. From 2008-2016, Ernst and Young ang aking external auditor. Simula 2017, PricewaterhouseCoopers naman.
Consider it a privilege to have enough income to pay taxes. Ibig sabihin blessed ka.
Para magpatuloy ang blessings, magbayad ng taxes dahil ginagamit ito para sa pagpapaunlad ng ating bansa. Yes, may corruption, but that doesn’t exempt us from paying the right taxes.
If I were you, I’ll invest in a good auditor to make sure you do good bookkeeping.
Make all transactions legal
Siyempre, dapat legal ang source ng ating kayamanan. Wala dapat tayong nilalabag na batas, bagkus ay sinusunod pa natin ang mga ito.
Kaya mahalagang magkaroon ng kontrata sa lahat ng iyong financial transactions. You should get a lawyer to do this for you.
Hindi sapat ang mag-download ka lang ng legal templates online, kailangan mo ng professional legal opinion para magkaroon ng magandang basehan sa mga gagawing desisyon.
Kontrata ang magbibigay protekyon sa mga usapan kaya huwag mangiming ito ay gawin. I am lucky to have a lot pf lawyer friends. Two of them, I keep on a retainer basis.
Deal with formal financial institutions
Ang mga bangko ang puso ng mga formal financial institution. Binibigyan sila ng lisensiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas para siguruhing above board ang mga financial transactions.
Simula ng pagiging best friend mo sa mga bangko ay kung hindi ka na pumipila sa branches at pinapatuloy ka sa office ng branch manager. Pero kapag malapit ka na sa kanila, bank officers go to your office, instead of you visiting them.
I had the honor of signing loan agreements at the head office of top commercial banks of the Philippines. May kasama pang press release.
This means, you mutually value your banking relationship.
Health is wealth
Lastly, dapat pinapangalagaan natin ang ating kalusugan. Aanhin ang kayamanan kung wala ka naman sapat na lakas at talino para ienjoy ang mga ito, di ba?
Health is wealth. Kaya mag-invest sa mga doctor at sundin ang kanilang payo.
Make new friends!
Ayan, ngayon alam mo ba kung sino dapat ang gagawin mong “best friends” para yumaman.
Ano pang hinihintay mo?
Make new friends!