Cagayan de Oro City – Noong panahon ng mga magulang ko na kung tawagin ay henerasyon ng mga baby boomers, ang status symbol ay ang pagkakaroon ng lupa. Lupa ang sukatan ng yaman ng mga pamilya noon. Lagi ko ngang binibiro sina mama at papa na sila ay “land rich, but cash poor” dahil sa ganitong trend.
Ngunit ngayon, anu-ano ba ang mga maituturing na status symbol ng mga Filipino. Sa aking pagtatanong-tanong sa mga kaibigan at pakikisalamuha sa mga participants ng aking trainings, ito ang mga lumalabas na status symbols sa Pilipinas.
Para sa akin, hindi naman masama ang pagkakaroon ng mga bagay na ito, basta’t sumusunod sa aking panuntunan. Ang mga status symbol na susunod ay mga “wants” na kailangang tustusan ng passive income.
Kung ang ginamit na pambili sa mga ito ay active income, para sa akin ito ay paglabag sa magandang paghawak ng pera.
Narito ang listahan
1. Pets
Kung dati si “Bantay” ang bida sa bahay, ngayon kinakailangang may breed ang alagang hayop sa bahay. Para talagang lubusan ang pagkamit sa status symbol na ito, kinakailangang “may papel” o rehistrado ang birth certificate nito.
2. Gym membership
Isa na ring status symbol ngayon ang pagkakaroon ng gym membership at pagdalo sa ga fitness classes tulad ng yoga, Pilates at iba pa. Hindi “bakal gym” ang tinutukoy natin dito kundi ang mga gym na makikita sa mga malls at magagarang lugar.
3. Pagsasalita ng English na may “twang”
Hindi sapat na may kakayahan kang magsalita ng English in perfect grammar, kinakailangang may “twang” ang iyong pananalita para maging “in” sa status symbol na ito. Hindi naman ito bago dahil noon pa man ay maituturing nang salita ng mga burgis ang English.