was successfully added to your cart.

Cart

Paano kumilatis ng pinapautangan upang siguradong ikaw ay mabayaran

By July 14, 2017 Loans

Ang dalawang napakahalagang kailangang tingnan sa pinapautangan ay ang tinatawag na character o pagkatao at capacity to pay o kakayahang magbayad.

Character

Ang character ay nagpapakita kung mapagkakatiwalaan ang isang mangungutang. Kadalasan malalaman ang character sa kaniyang pakikisalamuha at pakikisama sa mga tao.

Magandang source ng character reference ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay at ka-trabaho ng isang tao upang magkaroon ng ideya sa kaniyang character. Hindi sapat na character lamang ang basehan ng pagpapautang.

Kailangan ding tingnan ang kakayahan ng isang taong magbayad sa kaniyang utang. Makikita ito sa pamamangitan ng pagkilatis kung papaano siya kumikita ng pera at kung paano niya ito ginagasta.

Capacity to pay

Mas maganda kung ang pinapautangan ay may maraming sources of income. Ang ibig sabihin nito ay marami siyang mapagkukunan ng pambayad sa iyo.

Halimbawa, mayroon siyang permanenteng trabaho at bukod pa dito ay mayroon siyang maliit na negosyo at suma-sideline pa paminsan-minsan. Kung ang pinagkakakitaan ay isa lang, mas malaki ang tiyansa na hindi ka mabayaran kasi iisa lang ang inaasahang panggagalingan ng pambayad.

Makaktulong din kung ang pinapautangan ay may kasamang kumikita sa tahanan o may multiple source of income ang household. Sa ganitong paraan, hindi man sa pinautangan mo mismo makakasingil, maaring makatulong sa kaniya ang mga kasama niya sa tahanan tulad ng asawa, mga magulang , kapatid at anak.

Ang pinakasimpleng paraan ng pagkilatis sa paggasta ng isang tao ay sa pagkumpara sa lifestyle mo sa nangungutang sa iyo. Halimbawa, may nangungutang sa iyo dahil gipit siya at pareho lang kayo ng antas sa buhay pero ang mga kagamitan niya ay mas magarbo kasysa sa iyo, senyales ito na may hindi siya magandang paraan sa paggasta o paghawak ng pera.

Kung mabuting pagtutununan ng pansin at bibigyang ng ibayong pagiingat sa pagsuri sa mga nangungutang sa iyo sa pamamagitan ng character at capacity to pay, makakaiwas tayo sa pagkalugi sa pautang at mapapanatili din natin ang magandang relasyon.

vincerapisura.com


2 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: