Mga KaSosyo at KaNegosyo, nais ko ibahagi ang isang kwento ng tagumpay – ang kwento kung paano ang aking coop investments ay consistent at predictable na tinalo ang volatility ng stock market.
Noong una, akala ko’y sa stocks ko makikita ang pinakamabilis na paglago ng aking pera. Buti na lang maaga akong nagising sa realidad na ang coop investments pala ang tunay na superstar ng aking portfolio. Imagine, mga KaSosyo, habang ang aking investments sa stock market ay parang sinakyan ko ang roller coaster ng pababa’t pataas, ang aking puhunan sa coop ay tulad ng masinop na biyahe – smooth, walang abala, at higit sa lahat, nakakasiguro ako sa aking patutunguhan.
Kung titingnan natin ang long-term, kung naglagay ka ng ₱1M noong 2005 sa stock market, sa 2023 ay nasa ₱3.08M lang ito. Kumpara sa pag-invest sa cooperative, ang ₱1M mo ay magiging ₱8.78M na! Nakita n’yo ba ang diperensya? Malaki, ‘di ba?
Pitong beses na sa nakalipas na siyam na taon na negatibo ang returns ng stock market investment ko. Pero ang aking coop investments ay patuloy na nagbigay ng kita, hindi man kasing laki ng mga pangako ng stock market ngunit sapat at tuluy-tuloy. Sa madaling salita, hindi kailangang maging bigla-bigla ang paglago ng iyong investment. Ang mahalaga ay ang katiyakan at pagiging maaasahan nito.
Sa ating paghahangad ng yaman, madalas nating naririnig ang salitang “High risk, high return.” Pero mga KaSosyo, hindi ito ang buong katotohanan. Ang buong pahayag ay dapat “High risk equals high returns or high losses.” Napakahalaga na maintindihan natin ito. Ang pagtanggap sa mataas na panganib ay hindi lamang maaaring magdulot ng mataas na kita kundi pati na rin ng malaking pagkalugi.
Kaya bago tayo magdesisyon na sumabak sa anumang investment, laging tanungin natin sa ating sarili, “Handa ba akong itaya ang pinaghirapang pera ko para sa retirement, pag-aaral ng anak ko, pabahay o health fund sa posibleng pagkalugi?” Maliwanag, ang sagot dito ay hindi. Dahil ang mga pondong para sa mga pangangailangan natin ay hindi dapat nababawasan kundi nadadagdagan at malayo sa panganib. Kaya oras na para timbangin ang desisyon mo sa pagpasok sa stock market.
Siguraduhing matibay ang inyong financial foundation bago sumabak sa high risk na investments tulad ng stock market. Dapat may emergency savings kayo, may insurance, at naka-maximize na ang inyong contributions sa Pag-IBIG, SSS, at PhilHealth. Kung wala pa, ay ‘wag muna kayo pumasok sa stock market.
Kung meron ka na ng mga ito at gusto mo talagang subukan ang stock market, wala tayong magagawa, talagang mapilit ka talaga kahit na may mas safe at malaking kitang investmen pa diyan (Hello MP2, RTB, RDB at WISP+), ito ang guidelines ko para sa iyo.
Maituturing kang small investor dahil malamang wala pang ₱10M ang iinvest mo, tama ba? Kung ganon, mas maganda na piliin mo ang index-based o exchange-traded funds kaysa sa stock picking. Bakit? Dahil mas maganda ang performance at hindi kailangan ng malaki-laking puhunan. Google mo si Warren Buffet, siya mismo nagsai niyan, kung ayaw mo maniwala sa akin.
At siyempre, mas maganda kung gagawin ang peso-cost averaging. Sa akin, buwan-buwan akong naglalagay ng ₱10,000. Tingnan mo ang actual statement of account ko sa stocks sa baba, para makita mo na talaga ang tunay na picture. Pero, ang mahalaga sa lahat, dapat steady lang ang pag-invest natin, parang love life din – steady and predictable dapat.
Ang pagyaman ay hindi isang sugal kundi isang matalinong diskarte sa buhay. Kaya sa bawat desisyon, timbangin mabuti. ‘Wag magpapadala sa hype, at laging mag-invest na may kaakibat na kaalaman at pag-iingat. At sa landas ng pagiging matalino at mapanuring investor, ang coop investments ang naging liwanag at gabay sa aking paglalakbay.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent