Top 5 financial goals ng mga Filipino

Kapital sa negosyo

Marami din ang nagnanais magtayo ng negosyo kaya sila ay nag-iipon ng kapital para dito. Para sa akin, ang unang dapat pinaghahandaan kapag magtatayo ng negosyo ay ang business plan.

Madaling makakuha ng kapital kapag malinaw kung paano papatakbuhin ang negosyo. Mas mahirap ang pagsiguro na may market para sa mga produkto o serbisyong ibebenta ng negosyo; paggawa ng business model kung paano gagawin ang produkto at serbisyo para makarating sa market; at siyempre – ang paglilinang ng kaalaman at kakayahan sa pagpapatakbo ng negosyo.

Mabayaran ang lahat ng utang

Marami din ang nagnanais na mabayaran na ang kanilang mga utang. Aminado sila na nagamit ang utang sa maling paraan o sa mga bagay na hindi kumikita.

May mga tao pa ngang nangutang upang makatulong sa pamilya at the expense of their own financial well-being. Binigyang diin ko na kinakailangang maging financially stable muna sila bago sila tumulong financially

One financial goal at a time

Karaniwang napakaraming pangarap ng mga Filipino. Wala namang masama dito dahil libre naman ang mangarap.

Pero siguraduhing isa-isahin ang pag-abot sa mga pangarap na ito. Mahirap kung pagsasabay-sabayin. Mamili muna ng pinakamahalaga at pinakakagyat at dito muna tumuon.

Sa karanasan ko, kapag masaydong madaming maraming pinagsasabay-sabay na pangarap, walang nakakamtan o hindi nagkakatotoo. Nanatili na lang ang mga ito bilang mga pangarap

Written on January 16, 2018

vincerapisura.com