was successfully added to your cart.

Online course: Makabago, epektibo at murang paraan ng pag-aaral

Ang online learning ang isa sa magandang pagbabago sa paraan ng pag-aaral para madagdagan ang ating knolwedge and skills dahil puwede itong gawin kahit saan, kahit kailan.

Gumagamit ng Internet

Gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na classroom sa pagtuturo ang online learning. Ito ay isang kategorya ng distance learninng na tinatawag din e-learning o electronic learning.

Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng access sa edukasyon, kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may internet. Kaysa mag-aksaya ng panahon kakagamit ng social media, isang paraan para maging productive tayo online, ay sa pamamagitan ng online courses.

(L)Earning Wealth Online Course 

Sa (L)Earning Wealth Online Course, ang mga Pilipino saan mang panig ng mundo ay maaaring higit pang matuto sa tamang paghawak ng pera. Literal na dugo at pawis ang puhunan sa pagkayod ng perang ito kaya dapat pag-ingatan.

Hindi na kailangan pumunta sa classroom upang matuto at maging financially literate, ang online course ko ay nagbibigay ng mas komportableng learning environment.

Benefits of online courses

Tinatanggal ng online course sagabal sa pag-aaral para magkaroon ng magandang edukasyon tulad ng kakulangan sa oras; nakatira sa malayong lugar; may pisikal na kapansanan; at mahal na gastusin.

Sa online course, puwede kang matutong naka-pambahay lang; hindi na kailangang makipagsapalaran sa traffic, umalis nang maaga sa trabaho o umabsent para makapasok sa klase, o i-postpone ang mga mahahalagang lakad ng pamilya. Maaari mong piliin ang oras at lugar kung saan ka pinaka-komportable—bedroom, sala, sa café, sa gym at maging sa kalagitnaan ng trapik.

At dahil hindi mo na kinakailangang pumunta sa classroom, mas makaka-menos ka sa gastusin sa online course. Hindi na rin kailangang maghanap pa ng mga textbooks dahil ang mga references sa online course ay available na rin sa internet.

Quizzes that prepare you in the real world

Sa (L)Earning Wealth online courses, hindi sinusukat kung gaano kadami ang nakuha mong maling sagot. You can take the quizzes and exercises as many times as you like hanggang makuha mo ang target grade mo.

I believe that we learn most from our mistakes and experience is the best teacher. Kaya ang quizzes sa (L)Earning Wealth online courses ay designed para sa pag-eensayo sa mga haharapin mong life-changing financial decisions.

So you don’t need to worry about passing or failing, you can take all the time you need to learan. Surely, matutunan mo ang mga money management concepts kung seseryosohin ang pag-aaral.

(L)Earn with Sir Vince

Sa (L)Earning Wealth Online courses, maaaring niyo akong ma-contact sa pamamagitan ng exclusive message service nito at sa pamamagitan ng email. Mabibigyan din kayo ng pagkakatano na sumali sa mga online groups na ginawa ko para makapag-interact kayo sa mga like-minded individuals.

Kaya iniimbitahan ko kayong mag-enroll sa (L)Earning Wealth Online Courses upang mas matuto tungkol sa personal finance.

Tandaan, ang pagyaman, napag-aaralan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: