was successfully added to your cart.

Nawawala ba ang hulog sa Pag-IBIG at SSS?

Kapag naging inactive o hindi naituloy ang pagbabayad sa Pag-IBIG o SSS, hindi nawawala ang contribution mo.

Incomplete contributions

Full benefits ang makukuha kapag nakumpleto ang minimum requirements sa parehong programa. Kapag hindi naman na-kumpleto, hindi pa rin tayo uuwing luhaan, dahil may maibabalik pa rin sa atin.

Sa Pag-IBIG, ibibigay sa iyo ang Total Accumulated Value (TAV) kapag umabot ka na sa edad na 55. Kasama sa TAV ang mga dibidendong kinita ng hulog mo dito.

Kapag sa SSS, maibabalik ang mga naihulog natin kasama ang interest na kinita nito kapag umabot na sa edad na 60.

(Read: SSS 101)

Kaya kung ako sa inyo, ipagpapatuloy ko ang pagbibigay ng kontribusyon sa SSS at Pag-IBIG. Sulit na, nakakatulong pa tayo sa nation building.

Reactivate account

Simple lang ang proseso para maging isang active member ulit, hulugan lang ulit ang iyong Pag-IBIG or SSS account, at automatic na active ulit ang status ng membership mo.

(Read: Paano i-reactivate ang membership sa Pag-IBIG?)

 

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: