Magandang negosyo ba ang pagpapautang?

Loan Administration

 Napakahalaga ding bihasa ang negosyanteng may pautangan sa pagpili ng kaniyang pauutangin. Dito kasi nakasalalay kung magiging maayos ang pagbabayad ng umutang.

Kinakailangang marunong gumawa ng character, credit and background investigation ang negosyante o mga tauhan nito. Makakatulong din kung marunong gumawa ng cash flow analysis.

Dapat may sistema din sa pangongolekta, pagre-remit ng koleksyon at pagpapautang muli sa mga kliyente.

Ang lahat ng ito ay maaring mapiasaloob sa isang operations manual.

Stop illegal lending activities

Isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang interest rate na ipinapataw ng mga informal money lenders ay dahil kulang ang kanilang management skills sa business na ito. Hindi sila nababayaran ng maraming napautangan nila at binabawi nila ang pagkalugi nito sa mataas na interest.

Kaya kung may balak kayong magtayo ng lending business o pautangan, siguraduhing kaya niyong i-comply ang mga requirements sa itaas upag hindi magbigay ng mataas na interest sa mga kliyente at maiwasan ang pagkalugi.

vincerapisura.com