“Usapang Pera: Savings
Tips sa Pagyaman ni Sir Vince”

Karaniwan binabalewala ang savings. Maliit daw kasi ang kinikita dito kaya mabagal ang paglaki ng pera.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, savings ang susi sa pagyaman. Nauuna kasi dapat ang savings discipline sa money management. Susunod lamang dito ang investment discipline at credit discipline.

Kung tatalon agad sa investment at walang matibay na savings discipline, kahit gaano pa kalaki ang kitain sa investment, madalas mauubos lang ito dahil hindi marunong mag-save.

Sa kabilang banda naman, hihirap ang buhay kapag tumalon agad sa utang. Sa totoo lang, ang utang ay ang mahal na presyong binabayran mo dahil hindi ka nakapagantay mag-save at nais mo ng instant gratification.

Babalik tayo sa basics sa librong ito. Ipapakita ko ang mga makabagong konsepto ng savings at kung papaano ito magagamit upang makamit natin ang ating mga inaasam sa buhay.

Mga nilalaman:

  • Ang definition sa savings na makaka-inspire mag-save
  • Saan ako mag-iimpok at anong klaseng savings account dapat ang meron ka?
  • Saan dapat nakalagay ang emergency fund
  • Paano gumawa ng savings plan
  • Time deposit bilang bahagi ng iyong investment portfolio
  • Saan makakuha ng time deposit na mataas ang interest
  • Iba’t ibang klase ng savings products
  • Budgeting para sa (1) kumikita ng minimum wage; (2) maliliit na negsosyante; (3) middle to top management;(4) self-employed professionals; (5) temporary migrants
  • Money tips para sa millennials
  • Paraan para makaipon na mas mabisa kaysa pagtitipid
  • Epektibong paraan para matustusan ang wants
  • Ensayo para nasanay na hindi gumastos
  • Tips sa pag-iimpok
  • Paano mapapalago ang ipon

Ang libro ay isang eBook. Ang eBook ay isang digital copy ng libro na mababasa gamit ang mobile phone o computer. Makakatanggap ng email kung saan i-aatach namin ang pdf copy ng libro.

Environment-friendly ang eBook dahil hindi na kinakailangang pumutol ng kahoy sa paggawa ng printed copy nito. Napaka-convenient din nito dahil maari mong basahin kahit saan dahil nasa cellphone mo. Maari kang magbasa habang nagaantay sa pila, nasa bus o tren, o kaya naman ay nagpapahinga lang.

Price: USD5 of PhP250
Release date: March 15, 2018

Get 10% discount if you reserve now and pay before March 15, 2018.

vincerapisura.com