8 “must haves” financially by the time you reach 40 years old

4. Retirement fund

At the minimum, dapat may 120 contributions ka na sa SSS at patuloy mo pa rin itong hinuhulugan either as an employee, self-employed or voluntary member. Ang ideal dapat nasa halos 240 contributions ka na.

Meron na ring Personal Equity and Retirement Account ngayon. Aside from SSS, ito ay isang magandang paraan din para magtabi para sa retirement. Ang maximum contribution dito ay PhP100,000 para sa mga nandito sa Pilipinas at PhP200,000 naman para sa mga OFWs.

May 20 years pa to contribute to your PERA account and based sa contribution pa lang at granting na sa conservative investment fund mo ito ilalagay may additional na PhP2-4 million sa iyong retirement fund. Pag-isipang mabuti kung saang fund ilalagay ang iyong investment.

May 5% tax credit benefit ang PERA bukod pa sa tax exempt ang investment income nito.

5. No consumer debt

By now, dapat alam mo na, na ang utang ay dapat ginagamit sa productive purposes lamang. Kaya dapat wala ka nang consumer debt o mga utang na ginamit sa hindi kumikitang bagay.

Ang buong credit card balance ay dapat nababayaran nang buo pagdating ng due date. Umiwas sa mga personal loans, salary loans at kung anu-ano pang loan kung ito ay gagamitin pambili ng bagong gadget, damit, pambakasyon o iba pang bagay na hindi kumikita.

6. Emergency savings and insurance

Pagdating ng 40, hindi na dapat pino-problema ang emergency fund. Dapat matagal nang nabuo ito. Ang emergency savings fund should be equivalent to nine months of expenses.

Ang madalas na dahilan ng pagbaba ng financial status ay kapag tinamaan ng pagkakasakit ang pamilya. Mahal magkasakit sa panahon ngayon. Kaya kinakailangang kumuha ng health insurance.

Dalawang klase ang health insurance sa Pilipinas – preventive health care insurance at emergency care insurance. Kinakailangang mayroon nito lalung-lalo na ang bread winner. Kung pamliyado, kumuha ng family plan para sa health care.

Bukod dito, kumuha din ng life insurance. Siguraduhing term insurance lang ang kukunin upang hindi mapamahal. Umiwas sa investment-linked insurance.

vincerapisura.com